-- Advertisements --

Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyonng Duterte Youth party-list na humihiling ng pigilan ang Commission on Election (COMELEC) sa pagkansela ng kanilang registration.

Ayon sa Supreme Court, na kanilang tinanggihan ang mga hiling ng nasabing party-list para sa temporary restraining order, writ of preliminary injunction at status quo ante order.

Mayroong 10 araw ang COMELEC na magsumite ng komento sa petisyon ng Duterte Youth.

Magugunitang nagsumite ang nasabing party-list sa SC dahil sa pagkuwestyon sa resolution ng Comelec.

Ang isang resolution ay inilabas ng Second Division noong Hunyo 18 kung saan kinansela ang kanilang registration at ang isa naman ay inilabas ng Comelec en banc noong Agosto 29 na nagbabasura sa motion for reconsideration ng Duterte Youth.

Itinuturing ng Duterte Youth na ang kanilang rulings ay maituturing na grave abuse of discretion.

Nakakuha ng tatlong upuan ang nasabing partylist matapos makakuha ng 2.3 milyon na boto nitong Mayo 2025 elections.