-- Advertisements --

Nanawagan ang Philippine Coast Guard (PCG) sa kanilang Chinese counterpart na igalang ang batas sa karagatan at siguraduhin na ligtas ang lahat ng sasakyang-pandagat sa West Philippine Sea (WPS).

Binigyang-diin ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gavan na ang paglabag ng China sa mga internasyonal na kasunduan ay malinaw na hindi pagkilala partikular sa 1972 Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea, na parehong nilagdaan ng Pilipinas at China.

Ang intensyonal na pagbangga ng barkong pandagat sa isa pang barko na ligal na naglalayag ay hindi lamang paglabag sa internasyonal na batas kundi pagtalikod sa layunin ng Coast Guard bilang tagapangalaga ng kaligtasan sa dagat.

Nagbabala si Gavan na kung mismong mga coast guard na ang lumalabag sa batas at nagdudulot ng panganib sa buhay at ari-arian sa karagatan, sino pa ang maaasahang tagapagtanggol ng mga nasa laot?

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang Philippine Coast Guard (PCG) na maglabas ng posisyon kasunod ng panibagong pag-atake ng China sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Kasunod ng panibagong insidente kung saan sinadyang banggain ng China Coast Guard ang barko ng Philippine Coast Guard.