Nasa kabuuuang PhP158. 3 million na halaga ng tulong pinansyal ang ipinagkaloob ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga lokal na pamahalaan mula sa Davao na lubhang naapektuhan ng 7.4 magnitude na lindol.
Sinabi ni Palace Press Officer Usec Claire Castro na PhP50 million dito, para sa Davao Oriental; PhP10 million sa Mati City, tig-PhP15 million sa Manay, Banaybayan, at Lupon.
Habang tig-PhP10 million sa Tarragona at Baganga.
Ayon kay Usec Castro, ang suportang ito mula sa Office of the President ay upang maalalayan ang mga Davaoeno sa pagbangong muli, mula sa epekto ng pagtama ng lindol.
Ang nais aniyang ipabatid ng pangulo sa personal na pagtungo sa Davao, magtutuloy -tuloy ang pagbibigay tulong ng gobyerno, hanggang lahat ng pamilyang apektado ng lindol ay makabangon at makapagsimulang muli.