Ryo Miyake
Ryo Miyake/ FB image

Nakaisip ng paraan ang isang Japanese fencing champion para mapanatili ang kaniyang kalusugan.

Ayon kay Japanese fencer Ryo Miyake, nagsimula na itong magdeliver ng pagkain gamit ang kaniyang bisikleta.

Sinabi pa nito na bukod sa isang uri ito ng ehersisyo ay isa rin itong paraan niya para kumita ng pera.

Magugunitang kinansela ng Olympic organizer ang Tokyo Olympics na gaganapin sana Hulyo at ito ay ipinagpaliban sa susunod na taon.

Si Miyake ay silver medalist ng London 2012 Olympics.