KEN SHIMURA
Ken Shimura

Pumanaw na ang sikat na komedyante sa Japan na si Ken Shimura matapos na madapuan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ayon sa kaniyang agency, na dumanas ng pneumonia-like symptom ang 70-anyos na komedyante.

Nagsimula ang kaniyang panghihina noong Marso 17 at ito ay dinala sa pagamutan matpos ang tatlong araw at nitong Marso 23 ay nagpositibo ito sa coronavirus.

Tinaguriang “Robin Williams” ng Japan ang komedyante.

Taon 1974 ng simulan niya ang comedy career ng sumali ito sa comedy group na Drifters.