Kinansela na ng Japanese billionaire ang kaniyang paghahanap ng babaeng makakasama na magtutungo sa buwan.

Ayon kay Yusaku Maezawa, na dahil sa personal na rason ay kinansela na nito ang nakatakda sanang matchmaking documentary.

Mula ng hilingin nito ang mga interesado na magsumite ng aplikasyon ng hanggang Enero 17, 2020 ay umabot na sa 27,222 na applicants ang nagkainterest.

Unang inihayag ng 44-anyos na bilyonaryo na interesado ito sa programa ng Japanese streaming service kung saan inanunsiyo nito na naghahanap siya sa makakasama na pumasyal sa buwan.