chiba tokyo quake
-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 5.9 na lindol ang silangang karagatang bahagi ng Japan.

Ayon sa US Geological Survey, nakita ang epicenter ng lindol sa may 41 kilometers ng southeast Hasaki sa Chiba prefecture sa eastern Tokyo.

May lalim ito ng 25.4 kilometers kung saan inilagay naman ng Japan Meteorological Agency ang lindol sa magnitude 6.2.

Nilinaw naman ng mga otoridad na walang dapat ikabahala sa pagtama ng tsunami.