-- Advertisements --
Nagtala ng 2-year record bilang fastest inflation ang para sa buwan ng Enero 2021.
Batay sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA), nakapag-record sila ng 4.9 percent inflation para sa mga pangunahing bilihin.
Ang inflation ang batayan ng pagbilis ng pagtaas ng bilihin at serbisyo sa mga partikular na lugar.
Kasama sa mga rason sa paglobo ng mga presyo ang problema sa supply ng karne dahil sa african swine fever at maging ang epekto ng covid pandemic.
Kabilang sa mga nakitaan ng mabilis na pagtaas ng presyo ang mga sumusunod:
- Karne, 12.6%
- Isda, 3.6%
- Mantika, 4.4%
- Prutas, 11.7%
- Gulay, 19.2%