James Yap
James Yap/ IG post

Hindi makakapaglaro ng hanggang dalawang linggo si Rain or Shine star James Yap dahil sa injury.

Nakuha nito ang groin injury sa pagkatalo nila sa Magnolia 69-68 noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Rain or Shine coach Caloy Garcia, na posible hanggang dalawang linggo pa bago makapaglaro ang 2-time Most Valuable Player.

Mahirap aniya nilang pilitin na maglaro dahil sa baka mas lalong lumala pa ang sakit nito.

Magugunitang noong nakaraang PBA Commissioner’s Cup ay hindi ito nakapaglaro sa buong playoffs dahil sa parehas na injury.