Balik na sa kanyang unang laro sa preseason games si Houston Rockets superstar James Harden.

Sa kabila nito, nananatili pa ring mailap si Harden na sagutin ang ilang katanungan tulad na lamang sa naunang report na hiling niya na mailipat sa ibang teams.

rOCKETS JAMES HARDEN 1

Sa paglalaro nito ng 21 minutes nagtala siya ng 12 points mula sa 3-of-10 attempts para itumba ng Rockets ang San Antonio Spurs, 112-98.

Umeksena rin siya ng 3 rebounds, 4 assists at 3 turnovers.

Kung maalala sa dalawang naunang games ay hindi nakapaglaro si Harden.

Habang nasa quarantine siya, dumaan naman ito sa anim na beses na COVID tests at lahat ay nagnegatibo.

Samantala, nagsama na rin sila ng puwersa sa bago niyang teammate na si John Wall na nagposte ng 15 points.

Si Wall ay nagmula sa Wizards na siyang ipinalit kay Russell Westbrook.