-- Advertisements --

Nanguna sina Los Angeles Lakers forward LeBron James at Milwaukee Bucks forward Giannis Antetokounmpo sa mga napili bilang bahagi ng 2019-2020 All-NBA First Team.

giannis antetokounmpo
Milwaukee Bucks forward Giannis Antetokounmpo

Ito na ang pang-16 na All-NBA Team selection ni James na nalagpasan si Kareem Adbul Jabbar, Kobe Bryant at Tim Duncan na mayroon lamang tig-15.

Kinabibilangan ito ng 13 selection sa First Team, dalawang bese sa Second Team at isang beses sa Third Team.

Kapwa kasi nakakuha tig-500 points sina James at Antetokounmpo.

Makakasama naman nila sina Houston Rockets guard James Harden na mayroong 474 points, Lakers forward Anthony Davis na mayroong 455 points at Dallas Mavericks guard Luka Doncic.

Ang 21-anyos na si Doncic ay siyang unang player na napasama sa All-NBA First Team na napili sa kaniyang una o ikalawang season na nagawa rin noon ni Duncan.

Nanguna naman si Los Angeles Clippers Kawhi Leonard sa Second Team kasama sina Denver Nuggets center Nikola Jokic, Portland Trail Blazer guard Damian Lillard, Oklahoma City Thunder guard Chris Paul at Toronto Raptors forward Pascal Siakam.

Sa Third Team ay binubuo nina Boston Celtics forward Jayson Tatum, Miami Heat forward Jimmy Butler, Utah Jazz center Rudy Gobert, Philadelphia 76ers guard Ben Simmons at Rockets guard Russell Westbrook.

Ang All-NBA Team ay pinipili ng mga global panel of 100 sportswriters at broadcasters.