-- Advertisements --

Nabigo ang Gilas Pilipinas boys basketball team laban sa New Zealand 85-54 sa 2025 FIBA U16 Asia Cup na ginaganap sa Mongolia.

Dominado ng Junior Tall Blacks ang laro kung saan hindi nakaporma ang nagawang 13 points ni Justin Hallare at 11 points naman ni Mark Lumagub.

Mula sa simula ay hinid na nakalamang ang national team kung saan umabot pa sa 31 points ang kalamangan ng New Zealands.

Sa ngayon ay mayroong isang panalo at dalawang talo na ang national team kung saan papasok sila sa qualification para sa quarterfinals at hintayin ang mananalo sa pagitan ng Chinese Taipei at Indonesia.