Lebron james king james
Lakers star LeBron James (photo @Lakers)
-- Advertisements --

Muling nagpakitang gilas sa kanyang ikalawang sunod na triple-double performance si LeBron James upang tulungan sa panibagong panalo ang Los Angeles Lakers laban sa Minnesota Timberwolves, 137-121.

Tumipon si James ng 25 points, 12 rebounds at 12 assists.

Ito na ang ika-99 na triple-double sa kanyang career.

Liban kay James umeksena rin si Montrezl Harrell na nagdagdag ng 25 points upang panguhan nila ang anim na mga players na may double figures.

Sina Dennis Schroder, Kyle Kuzma at Talen Horton-Tucker ay pawang may 16 points habang si Markieff Morris ay nagtapos sa 12 point para sa kanilang third straight win.

-- Advertisement --

Sa kampo ng Timberwolves kapwa naman may 29 points sina Karl-Anthony Towns at Anthony Edwards.