Niyanig ng magnitude 7.7 na lindol ang karagatang bayan ng Lucea sa bansang Jamaica.

Ayon sa US Geological Survey (USGS), may lalim ang nasabing lindol na 10 kilometers.

Sumentro ang nasabing lindol sa 125 kilometers north-northwest ng Lucena, Jamaica.

Naramdaman din ang nasabing lindol sa Havana at Miami subalit walang anumang naitalang pinsala o nasawi.

Samantala, inalis na rin ng USGS ang tsunami warning sa karagatan ng Jamaica, Belize, Cuba, Honduras, Mexico at Cayman islands.