Suportado ng Department of Health (DOH) ang naging resulta pag-aaral sa US na hindi epektibo sa paggamot sa pasyenteng dinapuan ng COVID-19 ang gamot na ivermectin (IVM).
Base kasi sa Clinical Infectious Diseases, ang opisyal na publicaion ng Infectious Diseases Society of America, na hindi nagbabawas ng anumang mortality rate ang nasabing ivermectin.
Isinagawa sito sa mga pasyente na mayroong mild COVID-19 na walang epekto ito sa adverse events o severe adverse event kaya hindi maaaring gamitin ang ivermectin sa mga COVID-19 patients.
Sinabi naman ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na may pananagutan ang DOH sa mga mamamayan kaya labis silang nag-iingat sa mga inirerekomenda nilang mga gamot.
Malinaw aniya sa pag-aaral na hindi epektibo at delikado pang gamitin ang ivermectin sa mga COVID-19 patients.















