Italy death covid

Nagtala ng record-high ang Italy sa mga namatay matapos na dapuan ng deadly Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa isang araw lamang kasi ay mayroong 368 ang namatay na umaabot na sa kabuuang 1,809 ang kanilang bilang sa total deaths.

Ilang observers tuloy ang nagsabi na ang pangyayaring ito sa Italy ay “worst pa” noong kasagsagan ng “peak” sa matinding health crisis sa Wuhan City, China.

Sa ngayon sa Italy mayroon na ring 24,747 ang bilang ng mga nadapuan ng virus o mga nagkasakit.

Nananatiling epicenter ng pandemic ang northern Lombardy region na mayroong 1,218 o 67 percent deaths mula sa kabuuang Italian total.

Italy coronavirus covid