Reading Time: 1 minute

Iloilo City- Mas lalo pa ngayong umiinit ang kontrobersiya sa Lungsod ng Iloilo dahil sa lagapan na sex for sale sa loob ng Iloilo terminal Market na siyang pinakmalaking palengke sa lungsod.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mr. Eric San Agustin, market incharge ng nasabing palengke, hindi totoo na may mga menor de edad na binbugaw sa loob ng palengke at ginagawang motel ang mga stock rooms sa halagang P200.

Ayon pa kay San Agustin, mariing itinatanggi maging ng mga negosyante na may ginagawang imoralidad sa kanilang mga stalls.

Hinamon naman ni San Agustin ang pinuno ng Task Force on Moral and Values Formation na si Mr. Nestor Canong na patunayan ang kanyang alegasyon na nagsisilbing sex den ang ikalawang palapag ng palengke.

Nauna nang sinabi ni Canong na may hawak itong mga ebidensiya na nagpapatunay na may nangyayaring sex for sale sa Iloilo Terminal Market.