gary alejano magdalo
Rep. Gary Alejano, Magdalo partylist (FB photo)

CAGAYAN DE ORO CITY – Naniniwala si outgoing Magdalo Partylist Representative Gary Alejano na hindi mawawala ang isyu laban sa pamilyang Duterte lalong lalo na kay Davao City Rep. Paolo Duterte.

Ito’y kahit na siya’y mapili bilang bagong House Speaker kapalit kay Gloria Macapagal-Arroyo na matatapos na ang kaniyang ikatlong termino bilang kinatawan ng Pampanga.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Alejano na lalawak lang ang kapangyarihan ng mga Duterte ngunit hinding-hindi mawawala ang kanilang kinasasangkutang kontrobersya lalong lalo na ang illegal drug trade.

Ayon kay Alejano, walang ibang hangarin ang planong pagtalaga kay Pulong bilang speaker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso maliban lamang sa pagkontrol sa legislative department upang matabunan ang lahat ng isyu laban sa administrasyong Duterte.