-- Advertisements --

Nakatakdang gumulong ulit sa Mayo 10 ang issuance ng Comelec ng voter’s certifications para sa mga local registered voters.

Ayon sa Comelec, maaring mag-apply ang mga registered voters sa buong bansa para sa voter’s certification mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:30 ng hapon mula Lunes hanggang Huwebes sa National Central File Division satelite office ng Comelec, sa FEMII Building, Extension Cabildo Street cor. A. Soriano Avenue, Intramuros, Manila.

Pinapaalalahanan ni Comelec spokesperson James Jimenez ang publiko na kailangan kumuha ng appointment ang mga applicants para sa voter’s certification para matiyak ang kaligtasan ng mga magtutungo sa kanilang mga opisina.

“Applications for the issuance of voter certification are by appointment only. Together with our ‘no-face mask, no-face shield, no entry policy,’ this will ensure that we are protecting the safety of the public, even while NCR Plus remains under Modified Enhanced Community Quarantine” ani Jimenez.

Sinabi ng Comelec na libre ang voter’s certification para sa mga senior citizens, persons with disabilities, mga miyembro ng Indigenous People at Indigenous Cultural Communities (ICCs), at solo parents.

Magugunitang Marso 29 nang pansamantalang isinara ng Comelec ang lahat ng kanilang mga opisina sa NCR Plus dahil sa muling pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa lugar.