israel1
-- Advertisements --

Tumatanggap na ang Israel ng mga fully vaccinated na Pilipino at mga turista mula sa ibang mga bansa.

Ayon kay Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss, pinapayagan ng mag-travel ang mga turista sa Israel subalit inaabisuhan pa rin ang mga biyahero na alamin ang specific entry guidelines at requirements bago ang booking ng kanilang flights at tour packages.

Kailangan lamang magpresenta ng mga biyahero ng negatibong reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test result, 72 oras bago ang departure at kailangan na sumailalim sa panibagong swab test pagdating sa airport saka sasailalim sa mandatory quarantine hanggang lumabas ang resulta.

Ayon sa envoy ng Israel tanging ang mga foreigners na naturukan ng COVID-19 vaccines na kinikilala ng WHO ang pinapayagan partikular ang Pfizer, Moderna, Astrazeneca, Johnson & Johnson, Sinovac at Sinopharm.

Ayon pa sa opisyal dapat na ang second dose ng nasabing mga bakuna ay naiturok ng hindi lalagpas sa anim na buwan at kailangang magpakita ng vaccination certificate.

-- Advertisement --

Bagamat pinapayagan ang visa-free entry ng mga Pilipino sa Israel kailangan pa ring mag-secure ng special entry permit alinsunod sa requirement sa lahat ng foreign nationals sa gitna ng COVID pandemic.