-- Advertisements --

Ibinabala ni United Nations (UN) Secretary-General Antonio Guterres na nasa masamang kalagayan na ngayon ang Gaza.

Isinisi nito ang Israel na siyang nagbigay ng hindi magandang kalagayan sa Gaza.

Muli ito ng nanawagan ng agarang ceasefire at ang pagpapalaya ng mga bihag.

Pinuri nito ang naging ceasefire sa pagitan ng Israel at Iran subalit hindi rin dapat kalimutan ang mga Palestino sa Gaza na pinapahirapan ng Israel.

Marapat aniya na hindi na rin higpitan ng Israel ang pagdaan ng mga humanitarian aid dahil sa marami na ang nasasawing sibilyan sa Gaza.