Israel PM Benjamin Netanyahu

Tiyak na ang pang-limang termino ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu matapos na tuluyang mag-concede ang kaniyang nakatunggali sa halalan na si Benny Gantz.

Matapos ang dikit na halalan ay tinanggap na ng dating army chief Benny Gantz ang kaniyang pagkatalo.

Makikita sa 97% pa lamang na boto na nabilang ay nananatiling lamang ang Likud party ni Netanyahu.

Nangangahulugan na tiyak na ang 65 seats sa parliyamento habang mayroong 55 seats lamang ang makukuha ng Blue and White party ni Gantz.

Agad na nagdiwang ang mga supporters ni Netanyahu sa kanilang headquarters sa Tel Aviv kung saan pinasalamatan ni Netanyahu ang mga ito dahil sa paglukluk muli sa kaniya sa puwesto.