-- Advertisements --
Magpapatupad ng partial national lockdown ang Israel dahil sa biglaang pagtaas ng kaso ng coronavirus.
Ayon sa health official ng bansa na si Ronni Gamzu, na gumagawa na ng paraan ang kanilang bansa para tuluyang mapababa ang bilang ng mga kaso na nadadapuan ng virus.
Isinisi nito ang hindi pagsunod ng kaniyang mamamayan sa ipinapatupad na physical distancing.
Inihalimbawa nito ang bayan ng Nazareth kung saan hindi sinunod ng mga residente ang restriction sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pagtitipon.
Umaabot na kasi sa mahigit 122,000 na ang kaso ng coronavirus sa bansa na mayroong 976 ang nasawi.