-- Advertisements --

Nagpaabot ng pagdarasal si Pope Leo XIV sa mga biktima ng pamamaril sa Bondi Beach sa Sydney na ikinasawi ng 15 katao.

Sinabi nito na labis siyang nalulungkot sa insidente na ang target ay Jewish community.

Nanawagan ito sa marapat na tigilan na ang ganitong insidente.

Magugunitang pinagbabaril ng mag-amang suspek ang isang pagtitipon ng mga Jews sa Bondi Beach na nagresulta sa pagkasawi ng 15 katao.