-- Advertisements --
Nakatakdang luwagan na ng Israel ang ipinatupad nilang ikalawang nationwide lockdown dahil sa pagbaba na ng kaso ng coronavirus.
Simula sa Linggo ay papayagan na ang mga tao na lumabas ng mahigit 1 kilometro mua sa kanilang bahay para sa mga non-essential purposes.
Bubuksan na rin ang mga nurseries at papayagan ang mga restaurant na magkaroon ng take-out service lamang.
Itinuturing kasi ng gobyerno na tagumpay ang ginawa nilang isang buwan na lockdown.
Umaabot kasi sa mahigit 300,000 na kaso ng coronavirus ang naitala sa bansa kung saan mahigit 2,100 ang nasawi mula noong pandemic.