-- Advertisements --

Kumbinsido ang Israeli research institute na maisasagawa na nila ang human trials ng potential na COVID-19 vaccine sa buwan ng Oktubre.

Ayon kay Defence Minister Benny Gantz, na posibleng simulan ng Israel Institute of Biological Research (IIBR) ang human trial kapag matapos na ang Jewish holidays sa Oktubre.

Umaabot na kasi sa anim na buwan ang ginugol ng IIBR para makagawa ng nasabing bakuna.

Dagdag pa ni Gantz na lahat ng mga initial experiment ng bakuna ay naging matagumpay.