JERUSALEM – Nagsagawa ng air strikes ang Israel sa Gaza Strip ngayong araw ng Linggo bilang ganti sa Palestinian rocket fire sa kanilang teritoryo, ayon sa Israeli military.
Ito ay kasunod na rin nang umiinit na tensyon sa pagitan ng Israel at Palenstine sa mga nakalipas na linggo, makalipas na makatakas sa isang maximum security Israeli jail ang anim na Palestinian militatns.
Nabatid na sa ngayon apat na ang naaresto sa mga tumakas na bilanggo.
Biyernes nang magpalipad ng rockets ang Gaza militants papuntang Israel nang maaresto ang dalawa sa mga tumakas na bilanggo, pati rin noong Sabado nang maaresto din ang dalawang iba pa.
Ayon sa Israeli military, ang pinakawalan nilang rockets ay para sa mga Hamas, ang Islamist armed group na namumuno sa Gaza.
Sa ngayon, wala namang napaulat na casualties.
Noong Mayo lamang, tumagal ng 11 araw ang madugong labanan ng Israel at Hamas, kung saan 250 Palestinians at 13 Israeli ang nasawi. (Reuters)