-- Advertisements --
Tuluyan ng binitay ng Iran ang isang spy na ipinadala umano ng Mossad intelligence agency ng Israel.
Si Mohsen Langarneshin ay binitay dahil sa pamamahagi ng mga technical, logistical at operationa support sa Mossad sa loob ng dalawang taon.
Mula pa noong 2020 ng magsimula si Langarneshin na mangalap ng mga sensitibong impormasyon.
Sangkot din siya sa pagpaslang kay Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) colonel, Sayyad Khodai noogn Mayo 2022.
Dagdag pa ng Iran na inamin nito ang nasabing pakikipagtulungan sa Israel.