-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Naitala ng76 na bagong nagpositibo sa COVID-19 sa Isabela.

Dahil dito ay umakyat pa sa 674 ang aktibong kaso habang 17 ang gumaling.

Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, 24 sa mga bagong kaso ang mula sa Santiago City, 15 sa Cabagan, 9 sa Roxas, tig-6 sa Jones at Ilagan City, 4 Sta. Maria, tig-2 sa mga bayan ng Naguilian, Burgos, Luna at Alicia habang Tig-isa sa mga bayan ng Reina Mercedes, Delfin Albano, Santo Tomas at Echague.

Isa ang returning overseas Filipino, 19 ang Locally Stranded Individual (LSI), 83 ang mga health workers, 6 ang pulis at 555 ang local transmission.

Nanatili naman sa 115 ang nasawi dahil sa COVID-19 virus.

Patuloy ang paalala sa publiko ng pamahalaang panlalawigan na sumunod sa mga health protocol at huwag lumabas sa bahay kung hindi kinakailangan para maiwasan ang COVID-19.