-- Advertisements --
Boluntaryong sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isa sa hazing suspek na ikinasawi ng damson University chemical engineering student na si John Matthew Salilig.
Kasama ni John Lester Sus ang kaniyang mga magulang at abogado na sumuko sa NBI.
Sinabi nito na nagulat na lamang siya kung bakit isinama siya sa listahan ng mga suspek sa pagpatay kay Salilig.
Kaya aniya siya sumuko ay para mapatunayan na wala itong kinalaman sa krimen.
Giit nito na wala siyang kinalaman sa insidente dahil maaga itong umalis sa Binan, Laguna dahil may iba pa siyang lakad na iba.
Mananatili ito sa NBI dahil sa walang nailabas na warrant of arrest laban sa kaniya at sa Lunes ay ipapakita niya ang ibang mg ebidensiya niya na siya ay inosente.