Reading Time: 1 minute

NAGA CITY -Patay ang isa katao habang sugatan naman ang tatlong iba pa kasama ang isang Philippine Army at isang menor de edad sa aksidente sa bayan ng Ragay Camarines Sur.

Kinilala ang namatay na si Lydio Jesalba, habang sugatan naman sina Bienvenido Rubis Jr isang Philippine Army at Jonalyn Rubis at isang dalawang taong gulang na batang babae.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang binaybay ng kotse na minamaneho ni Bienvenido Rubis Jr ang nasabing kalsada nang makatulog ito na naging daan para ukupahin nito ang linya ng kasalubong na bus na minamaneho naman ni Rey Dalhog.

Dahil sa insedente nagtamo ng mga sugat sa ibat- ibang parte ng katawan ang mga pasahero ng kotse na agad namang dinala sa ospital ngunit hindi na naisalba pa ang buhay ni Jesalba.

Samantala wala namang nai-ulat na nasaktan sa sakay ng nasabing bus.