-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patay ang isang lalaki matapos binaril ng kanyang kapitbahay sa Barangay Bolong Oeste, Sta. Barbara, Iloilo dahil sa away sa lupa.

Ang biktima ay si Felix Soqueño, 45, na nagtamo ng sugat sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan.

sta barbara Iloilo

Ang suspek naman ay si Rey Gabata, isang seafarer na at-large sa ngayon.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lt Col. Hilarion Roga, pinuno sang Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Police Regional Office 6, sinabi nito na limang bala ng caliber .30 ang nakita sa crime scene.

Ayon naman kay Rey Jean Simbahon, tauhan ni Soqueño nang binaril ng suspek ang biktima, nagkataon na nasa labas ng bahay ang buntis na si Leonisa Solas kung kaya’t nadamay din ito.

-- Advertisement --