TACLOBAN CITY – Patay ang isang lalaki habang sugatan ang apat na iba pa sa nangyaring aksidente sa Brgy. Baco, Leyte, Leyte.

Kinilala ang namatay na si Mark Neil Maquinano, 18, habang ang driver naman ng sinasakyan nitong single na motorsiklo ay kinilalang si Regie Serante, 15, at tatlo pang-angkas nito na sina John Paul Serante, Bianca Delantar at Caroline Dimos.

Ayon kay Capt. Ryan Delima, ng Leyte, Leyte PNP, pauwi galing sa dagat ang mga biktima at pagdating nito sa pakurbada na bahagi ng kalsada ay nawalan ng kontrol ang driver na naging dahilan ng pagkatumba at pagkatapon sa isang pang bahagi ng kalsada.

Nagkataon naman na mayroong paparating na truck na naging dahilan para sumabit ang isa sa mga biktima at napailalim sa naturang truck.

Agad na dinala sa ospital ang biktima na si Mark Niel pero idineklara naman itong dead on arrival.

Napag-alaman na mabilis and takbo ng motorsiklo.

Sa ngayon ay patuloy pang ginagamot sa ospital ang apat pa na mga biktima sa naturang aksidente.