-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Isa ang namatay dalawa sugatan sa bangaan ng motorsiklo at pick up sa Distirct 2 Benito Siloven.

Ang nasawi ay si James Agustin, 25 anyos, binata habang patuloy na inoobserbahan sa pagamutan ang mga kasama nitong sina Randy Mansibang, 39 anyos at John Mansibang, 31 anyos, binata pawang residente ng Distrist 1 Benito Soliven.

Nakilala naman ang tsuper ng pick-up na si Jaime Suguitan Jr., residente ng San Carlos Benito Soliven Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMajor Cris mark Casillana, hepe ng Benito Soliven Police Station sinabi niya na katatapos lamang nilang magsagawa ng check point ng dumaan ang motorsiklong sinasakyan ng mga biktima mula sa District 2 Benito Soliven, Isabela.

Aniya, mabilis na binabagtas ng mga biktima ang kalsada ng makarating sa pakurbadang bahagi ng daan ay nag-over take sa isa pang sasakyan at umagaw ng linya ng kasalubong na pick-up na minamaneho ni Suguitan.

Dahil sa lakas ng banggaan ay tumilapon ang mga lulan ng motorsiklo habang nawasak naman ang harapang bahagi ng pick-up.

Agad na dinala ang mga biktima sa San Mariano community Hospital ngunit idineklarang dead on arrival si Agustin habang nakatakdang ilipat sa pribadong pagamutan sa Gamu, Isabela ang dalawang iba ba dahil sa matinding sugat na natamo nila sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Batay sa pagsisisyasat ng Benito soliven Police Station, nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin at walang suot na helmet ang tatlong biktima na umano’y katatapos lamang mag deliver ng itlog ng maganap ang aksidente.