Nagtala ng nasa 50 insidente ng karahasan sa mga paaralan ang Philippine National Police (PNP).
Ayon sa PNP na mula noong Hunyo 16 hanggang Agosto 19 ang nasabing datos na ang sangkot ay mga Children In Conflict with the Law (CICL).
Kasama na aniya ang bilang ng panibagong insidente ng pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University kung saan dalawang mag-aaral ang nasawi.
Base rin sa datos ng Public Information Office ng PNP namayroong 26 na umanoya bomb threats, 12 ang pagbabanta ng pamamaril, apat na insidente ng pananaksak, apat na pagkakaaresto sa mga pagdadala ng iligal na armas, dalawang pagbabanta sa buhay at dalawang insidente ng pamamaril.
Una ng sinabi ng PNP na sinimulan nila ang paglilista sa pagsisimula ng panibagong school year ng 2026-2027.















