-- Advertisements --

Ipinag-utos ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel Nepomuceno ng kumprehensibong inventory at accounting ng mga baril na kanilang nai-isyu sa kanilang mga kawani.

Kasunod ito sa naganap na pamamaril sa paaralan sa Zamboanga City na ang baril ay galing sa Customs Police personnel.

Ayon kay Nepomuceno, na sila ay magsasagawa ng review ng compliance sa lahat ng mga BOC policies at pagsunod sa gun safety, firearm custody, pagbiyahe, pagtatago ng nasabing mga baril.

Lahat aniya ng mga kawain ng BOC ay kaniyang binigyan ng 24 na oras na tumalima sa kautusan.

Tiniyak din nito ang pagiging transparent ang BOC para hindi na maulit pa ang nasabing insidente.