Hindi sumipot sa press conference ang Brooklyn Nets guard na si Kyrie Irving bilang bahagi sana ng media week bago magsimula ang NBA season.
Sa halip naglabas na lamang ng official statement si Irving upang malinaw daw na maiparating ang kanyang mensahe.
Tiniyak ni Irving, 28, sa kanyang mga fans na todo ang gagawin niyang pagkayod sa kanilang mga laro at tutulong upang makamit ang inaasam na kampeonato para sa kanyang mga teammates at sa Nets organization.
Nilinaw naman ni Irving na ang hindi niya pagharap sa media briefing ay dahil sa nag-iba na ang panahon ngayon dulot ng pandemya.
Hangarin din naman niya ang kaligtasan ng lahat.
Sa pagbabalik ni Irving sa laro mula sa injury, inaasahan ang eksplosibo nilang tandem ni Kevin Durant.
“I am committed to show up to work everyday, ready to have fun, compete, perform, and win championships alongside my teammates and colleagues in the Nets organization. My goal this season is to let my work on and off the court speak for itself,” ani Irving sa kanyang statement. “Life hit differently this year and it requires us, it requires me, to move differently. So, this is the beginning of that change.”