CAGAYAN DE ORO CITY – Inaresto ng pulisya ang isang negosyante na nahaharap sa kasong estafa sa may Abellanosa St. Barangay 17 nitong lungsod.

-- Advertisement --

Kinilala ang suspek na si Pablito Labutap, 40-anyos, at residente sa nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Macabalan Police Station commander PCapt Mark Homer Ostan na sangkot ang suspek sa modus operandi na nag-aalok ng investment kung saan ang P1,000 na puhunan ay maging P1,700 sa loob ng isang linggo sa pamamagitang social media.

Hinuli ng mga otoridad si Labutap sa bisan ng warrant of arrest na inisyu ni RTC-10 Branch 24 Presiding Judge Henry Damasing.

Inirekomenda naman ng korte na magbayayad ng P60,000 na piyansa ang suspek para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.