-- Advertisements --
icrc4

Todo ngayon ang koordinasyon ng International Committee of the Red Cross (ICRC) sa Pilipinas lalo na sa mga opisyal ng detention facilities para tulungan sa paghahanda sa posibleng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) outbreak sa mga piitan.

icrc2

Ito ay sa pamamagitan ng pag-set up ng apat na isolation centers para sa mga inmates na magpo-positibo sa COVID-19 o ang mga makikitaan ng sintomas ng naturang sakit.

Nakapag-set up na rin ang ICRC ng 48 bed isolation facility para sa Metro Manila.

icrc5

Kasabay nito tinuturuan na rin ng ICRC ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) staff kung paano mag-disinfect kasabay ng pagbibigay ng material support para labanan ang virus at siguruhing malinis at ligtas ang pasilidad.

Una rito, labis na ikinabahala ng ICRC ang sitwasyon ng mga piitan sa bansa dahil sa sobrang siksikan.

icrc6

Sa pinakahuling data nasa 188,278 ngayon ang total detainees sa buong bansa.

Ayon sa grupo, sa ngayon hindi lang naman sa Pilipinas nagkakaroon ng problema sa siksikan sa mga piitan.

Sa katunayan, sa Cambodia ay mayroon na ring support disease control at prevention ang ICRC sa mga piitan doon para maprotektahan ang 38,000 inmates at 4,000 prison staff.

Sa Bangladesh naman todo na rin ang pagtutok ng Prison Directorate at ang Ministry of Home Affairs para tulungan ang mga preso sa naturang bansa na 68 lamang para sa posibleng outbreak ng COVID-19.

Nagsimula na rin silang magbigay ng disinfection materials sa Bangladesh central prison sa Keranigani.