masbate1 1

Naniniwala ang Department of National Defense (DND) na walang hustisyang maasahan sa gagawin umano ng NPA 5 na Internal Investigation kaugnay sa pag-atakeng ginawa ng kanilang mga tauhan sa Masbate nuong Linggo na ikinasawi ng FEU Football player na si Keith Absalon at ang kaniyang tiyuhin.

Inako ng NPA na sila ang nasa likod ng pamomomba at inaming isang “tactical error” ang insidente.

masbate3

Ayon kay Defense Spokesperson Arsenio Andolong, mariing kinokondena ng DND ang pambobomba at pamamaril na ginawa ng NPA.

Giit ni Andolong, hindi “tactical error” ang ginawa ng NPA dahil kalakaran nila ang gumamit ng mga landmines para makapinsala at pumatay.

Dagdag pa ni Andolong, ang ginawa ng NPA ay lantarang paglabag sa International Humanitarian Law at patunay na wala silang pakialam na mandamay ng mga insosenteng sibilyan.

Nanawagan si Andolong sa sambayan na magkaisa sa pagkondena sa mga atrosisdad na patuloy na ginagawa ng NPA, at itakwil ang ideolohiya ng terroristang grupo.