Nakiisa ang Commission on Human Rights sa panawagan ng mga advocacy group na sumusuporta sa mga pamilya at kaibigan ng mga political prisoner at iba pang international human rights bodies na imbestigahan ang insidente ng tanim-baril sangkot ang maybahay ng isang nakakulong na politiko sa Negros Occidental.
Ito ay si Leon Charita na miyembro ng National Federation of Sugar Workers (NFSW) na 4 na taong nakadetine sa district jail sa San Carlos city.
Ayon sa grupo, naaresto si Leon sa isang police checkpoint kasama ang 7 iba pang mga aktibista noong Setyembre 2019 dahil sa illegal possession of firearms and explosives subalit sinabi ng human rights group na tanging leaflets at sound system lamang ang kanilang dala kasabay ng kanilang paggunita ng 1985 Escalante Massacre.
Ang kaniyang asawa naman na si Pertinisa Jereula Charita, 55 anyos ay isa sa mga nakausap ni United Nations Rapporteur on Freedom of Opinion and Expression Irene Khan nang bumisita ito sa Visayas noong Enero.
Noong Pebrero 13, sinabi ng grupong Karapatan na naaresto si Pertinisa nang makitaan umano ng isang jail guard ng maliit na caliber.22 pistol sa loob ng kaniyang bag sa isinagawang search procedure.
Kaugnay nito, dinemand ng advocacy group ang pagbasura sa tinawag nilang trumped-up case laban kay Pertinisa at nanawagan sa agarang pagpapalaya sa kaniya.