Pinaburan ng Commission on Human Rights (CHR) ang plano ng Department of Tranportation (DOTr) na isapubliko ang mga pangalan ng lumalabag sa batas trapiko.
Sinabi ni CHR Chair Atty. Beda Epres, basta susunod sa tamang proseso ang DOTr ay hindi ito maituturing na paglabag sa karapatang pantao.
Ilan sa mga inihalimbawa nito na due process ay kung sila ay napatawan ng kaparusahan at isinailalim ang mga ito sa malalimang imbestigasyon ay hindi ito maituturing na paglabag.
Subalit maituturing na paglabag sa karapatang pantao kung basta na lamang papahiyain at walang isinagawang imbestigasyon.
Pinayuhan din ng CHR ang DOTr na iwasan ang “trial by publicity” at tanging mga guilty violators lamang ang ilalathala at hindi ang mga inosenteng drivers.
Magugunitang plano ni Transportation Secretary Vince Dizon na magkaroon ng ‘shame campaign’ laban sa mga traffic violators na makailang ulit ng nahuli.