Posibleng alisin na ang initial security screening sa Iloilo Airport upang magkaroon ng mas maluwag na espasyo para sa mga pasahero, ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Inutusan ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez ang pamunuan ng paliparan na magsumite ng plano sa loob ng 15 araw para sa pagpapatupad ng nasabing polisiya.
Ani Lopez, redundant na ang initial screening, at ito rin ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-prioritize ang comfort ng mga pasahero sa mga paliparan.
Bagama’t mananatili pa rin ang final security check bago makapasok sa boarding gates.
Inirekomenda rin ng DOTr ang pagpapalawak ng passenger terminal building, pagpapabilis ng automated check-in gamit ang facial ID recognition, at pag-aayos at pagpapalawak ng runway upang makapagserbisyo ng mas malalaking eroplano at maraming international flights.