mad trump 2
Donald Trump

Ibinunyag ng ilang miyembro ng US Congress na nangunguna sa impeachment kay President Donald Trump na mayroon silang malakas na ebidensya.

Nakasaad sa inilabas na Trump-Ukraine Impeachment Inquiry Report na overwhelming ang ebidensiya ng misconduct ganun din ang ebidensiya ng obstruction of congress.

Inilabas ng House Permanent Select Committee on Intelligence.

Bago inilabas ang draft report ng impeachment ay binanatan na ni Trump ang Democrats na nasa likod ng impeachment trial at sinabing ito ay walang kuwenta.

Makailang ulit na ring itinanggi ni Trump ang nasabing akusasyon na kaniyang pinapaimbestiga ang katunggali nito na si dating US Vice President Joe Biden ng tawagan niya ang pangulo ng Ukraine.