Hindi umubra ang Miami Heat sa Chicago Bulls matapos ma-upset sa iskor na 110-102.

Nasayang ang pagtatangka ng Miami (32-30) na umusad sa No. 6 spot sa Eastern Conference at maibigay sana sa Filipino American head coach na si Erik Spoelstra ang kanyang 600th career regular-season win.

Nabaliwala rin ang naipasok ni Jimmy Butler na 33 points, Bam Adebayo na nagdagdag ng 23 at si Trevor Ariza ay nagpakita ng 18 points.

Ang 3-point specialist ng Heat na si Duncan Robinson ay hindi na natapos ang laro dahil sa injury at pinalabas sa second half.

Nagsama naman ng kanilang puwersa sina Nikola Vucevic na may 24 points at Daniel Theis na nagdagdag ng 23 para lumapit pa ang Bulls (26-35) sa play-in spot sa Eastern Conference.

Sinamantala rin naman ng Bulls ang kawalan ng Miami ng ilan nilang players tulad nina Tyler Herro (foot), Kendrick Nunn (neck) at Victor Oladipo (knee).