-- Advertisements --

Lalo pang bumilis ang pagtaas sa presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo sa Pilipinas para sa buwan ng Nobyembre.

Batay sa data ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 3.3% ang inflation rate na naitala sa naturang buwan.

Lumalabas na mas mabilis ang pagtaas ng mga bilihin ngayon kumpara noong Oktubre na may 2.5% inflation rate lamang.

Lubhang malayo rin ito sa 1.3% na naitala noong Nobyembre 2019.

Ito na ang pinakamataas na figure para sa isyu ng inflation para sa taong ito na may umiiral na COVID-19 pandemic.

Ilan sa nakitaan ng malaking pagbilis na pagtaas ng presyo ay ang pagkain, na pangunahing binibili lalo na sa panahon ng community quarantine.