Pumapalo na sa 7,997,084 ang kabuuang nadapuan ng COVID-19 sa buong mundo.

Ang 3,377,901 (98%) sa kanila ay mayroong mild condition, habang 54,461 (2%) naman ang nasa serious o critical condition.

Sa kasalukuyan, Estados Unidos ang pinakamataas na bilang ng kaso ng COVID-19.

Umaabot na ito sa 2,162,228 ang infected at 117,858 naman ang nasawi.

Habang sa buong mundo, mayroon nang 435,662 namatay at 4,129,060 naman ang mga naka-recover.