-- Advertisements --

Pumalo na sa 7,086,008 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19.

Sa nasabing bilang, 3,166,177 (98%) sa kanila ang mayroong mild condition at 53,752 (2%) naman ang nasa serious o critical condition.

Habang ang mga namatay dahil sa corona virus ay umaabot na sa 406,107.

Sa ngayon, Estados Unidos ang may pinakamaraming naitalang nasawi na umaabot na sa 112,469.

At ang mga nagpositibo sa kanila ay record-breaking din dahil nasa 2,007,449 na ang mga ito.

-- Advertisement --

Ang bilang naman ng mga naka-recover sa buong mundo ay 3,459,972, matapos ang gamutan at quarantine procedure.