-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang Infanta Quezon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naitala ang lindol ng 11:22 nitong gabi ng Mayo 30.

May lalim ito na 5kilometers na ang sentro nito ay sa silangang Infanta, Quezon.

Naramdaman din ang intensity 2 sa Makati City, Quezon City, San Juan City at sa Lungsod ng Maynila.

Habang intensity 5 naman ang naranasan sa Polilio, Quezon.