Nagpahayag ng buong suporta ang Federation of Philippine Industries Inc. sa mga nagaganap na pagbabago sa gabinete sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ay kasunod ng naging pagbibitiw ng ilang mataas na opisyal sa Palasyo na sangkot umano sa malawakang isyu ng flood control anomalies.
Nanumpa na rin kahapon sa kanilang bagyong posisyon si Executive Secretary Ralph Recto at Finance Secretary Frederick Go.
Paliwanag ng grupo, layon ng kanilang pagbibigay ng suporta na mapanatili ang sigla ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng maayos na koordinasyon ng mga ahensya ng pamahalaan .
Ipinunto pa nito na mahalaga ang balasahan ng mga opisyal ng gobyerno sa sa isang kritikal na panahon .
Tiniyak rin ng grupo ang walang humpay na pakikipag koordinasyon sa mga pangunahing ahensya ng gobyerno ng sa gayo ay masustine ang economic growth momentum ng bansa.
















